Entertainment Earth

ABS-CBN Issues Statement regarding employee lay-off

With the non-renewal of the operating franchise for ABS-CBN, the network has begun steps to lay off employees to stay afloat. They have announced several actions including releasing separation pay, some job  assistance strategies and retirement for employees who eligible for such.

The retrenchment will start 31 August 2020.

In the meantime here’s the official statement from the network.

PAHAYAG NG ABS-CBN SA PAGBABAWAS NG MANGGAGAWA

Dahil sa desisyon ng Kongreso na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, humantong na ang network sa mahirap at masakit na desisyon na itigil ang operasyon ng ilang negosyo nito at simulan ang proseso ng pagbabawas ng empleyado simula 31 Agosto 2020. 

Ginagawa namin ang lahat para maibsan ang sakit na mararamdaman ng mga maapektuhan, kabilang ang pagbibigay sa kanila ng separation pay na naaayon sa batas at retirement benefits, at mga programang tutulong sa paghahanap nila ng bagong trabaho. 

Mahirap na pakawalan ang aming mga Kapamilya sa panahong walang kasiguruhan at puno ng pangamba dahil sa COVID-19, ngunit ito ay isang desisyong kailangan naming gawin. Bagama’t masakit, ito lamang ang paraan upang matiyak pa ang trabaho ng ibang mga Kapamilya. 

Ipinagdarasal namin ang mga mawawalan ng hanapbuhay at ang kanilang mga pamilya. Sana’y pagkalooban kayo ng lakas ng loob sa pagharap sa mga darating na pagsubok. Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginawa para sa ABS-CBN. Maraming salamat po, Kapamilya.

Update:

Here’s the english version of the same statement:

Meanwhile the network can still be seen via the Kapamilya Channel on cable TV.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *