Brgy S2S: Walang-Sawang Saya, Palaro, at Papremyo Hatid ng Surf2Sawa at Converge sa Inyong Lugar
Ayon sa census (PSA 2020), halos 35 porsyento ng populasyon sa bansa o kulang-kulang 9.5 milyong households ang kabilang sa may mga pinakamababang income. Ang nasabing bilang ng mga pamilya ay nagsusumikap na matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan tulad ng tirahan, pagkain, edukasyon, at pati na rin access sa internet data.
Kaya naman nakakatuwa ang kalalabas lang na balita na mas dumami na ang bilang ng masang Pilipino ang naging konektado sa unlimited internet dahil sa reliable, affordable, at flexible prepaid fiber plan ng Converge na Surf2Sawa (S2S).
Kaya para ipagdiwang ang patuloy na paglago ng S2S, inanunsyo ng kumpanya ang bagong proyekto na siguradong kagigiliwan ng mga fiberkads sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Tara na, Fiberkads sa BRGY S2S!
Ito ay isang mala-fiesta na selebrasyon na dadayo sa mga piling lugar sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao para maghahatid ng walang-sawang saya, palaro, at papremyo. Bukod dito, meron din silang kasamang mga special guests at pati na rin ‘sangkatutak na pakulo at sorpresa tulad ng libreng street food, gupit, at marami pang iba.
Ang grand launch ng BRGY S2S ay gaganapin sa Villa Rebecca Covered Court, Tandang Sora, Quezon City, Sabado, Agosto 10, simula 6 a.m hanggang 6 p.m. Makiki-Dance2Sawa din ang sina Rochelle Pangilinan, Sexbomb Cheche Tolentino, founder and choreographer Joy Cancio, at ang SB New Gen.
Maliban sa walang-sawang kasiyahan, layunin din ng BRGY S2S na ilapit sa mga pamilya sa bawat komunidad ang magandang serbisyo at benepisyo na dala ng Surf2Sawa. Ang mga residente na mag-susubscribe sa Surf2Sawa sa venue ay makakabitan agad ng internet sa parehong araw at makakatanggap pa ng 50% discount sa installation fee mula sa Instant Connect promo ng Brgy S2S. Pipili din ang Surf2Sawa ng tatlong maswerteng pamilya na makakatanggap ng libreng internet subscription para sa kasisimula lang na bagong school year.
Ang Surf2Sawa o S2S ay ang prepaid fiber internet plan na mura, unlimited, at walang kontrata. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa bawat tahanang Pilipino na maging konektado sa internet sa mababang halaga na P4.00 kada araw bawat user (hanggang 6 na devices ang pwede kumonekta).
Ang internet connectivity ay hindi na lamang luxury kundi mahalagang tool para sa pag-angat sa buhay,” ayon kay Sandra Zira Tubale Dingal, Head of Consumer Marketing ng Converge. Misyon ng BRGY S2S ang magdala ng pinaka-sulit sa budget na high-speed internet sa bawat barangay sa Pilipinas, para lahat ay maging konektado sa digital world, lalo na para sa trabaho at school,” dagdag pa nito.
Nais ng Converge Surf2Sawa Team na hikayatin ang iba pang mga barangay na sumali sa digital revolution at maging bahagi ng BRGY. S2S—kung saan ang lahat ay maaaring magtagumpay sa isang connected na mundo.
Para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa BRGY S2S at Surf2Sawa, bisitahin ang kanilang official website sa https://surf2sawa.com o i-follow ang kanilang official FB page: www.facebook.com/Surf2Sawa