Entertainment Earth

Doblado Trailer

Here’s the trailer for another sexy-drama film from Vivamax titled Doblado starring Denise Esteban and Josef Elizalde!

Check out the trailer below:

CAST: Denise Esteban, Josef Elizalde, Stephanie Raz, Kat Dovey, Mark Anthony Fernandez, Gwen Garci
DIRECTED BY: GB Sampedro
PLAYDATE: MAY 6, 2022

Sa mundong mapanghusga, isang babae ang mahihirapang ipakilala ang kanyang buong pagkatao sa takot na mapulaan ng iba. Paanorin kung paano siya mamuhay na may dalawang katauhan sa DOBLADO.

Isang Vivamax Original Movie, ang DOBLADO ay kwento ni Jaira (Denise Esteban), isang college student na nasa early 20s – maganda, maayos manamit, at angat ang itsura sa iba. Pero sa likod ng kanyang pagiging Maria Clara, ay ang lihim na pinakatatago-tago niya, estudyante siya sa umaga, pero isa siyang part-time high-class prostitute sa gabi.

Bilang high-class prostitute, ang tinatanggap lang niyang mga kliyente ay mga VIP mula sa isang private na website. Dito niya makikilala si Ronan (Josef Elizalde), ang lalaking gugulo sa buhay niya dahil nangako itong hindi mahuhulog sa kahit na sinong kliyente. Magkakaroon ng relasyon ang dalawa na maglalagay sa kanila sa komplikado at mapanganib na sitwasyon.

Bibida sa kanyang unang lead role ang up-and-coming actress ng Vivamax na si Denise Esteban na una nating napanood sa Vivamax Original Movie na Kaliwaan. Dito sa Doblado, makakasama niya si Josef Elizalde na kamakailan lang ay napanood din natin sa debut lead role nito sa X-deal 2. Ang DOBLADO ay mula sa award-winning director na si GB Sampedro na naging direktor ng mga chart-topping Vivamax Originals – KAKA, Crush Kong Curly, at Kinsenas, Katapusan.

Kasama rin sa Doblado sina Stephanie Raz, Kat Dovey, Mark Anthony Fernandez, Gwen Garci at marami pang iba.

Payapa pa rin kayang mabubuhay si Jaira sa dalawa niyang mundo? O magiging isa ang landas ng magkaiba niyang pagkatao na magdadala sa kanyang kapahamakan? Panoorin ang DOBLADO simula April 29, 2022 sa Vivamax.

Follow me on Twitter at @thefanboyseo for more entertainment news and updates!

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *