First Look at VMX’s FOREIGN EXCHANGE starring Sahara Bernales, Audrey Avila, Athena Red and Sean De Guzman
First look at upcoming VMX project “Foreign Exchange” starring Sahara Bernales, Audrey Avila, Athena Red and the returning Sean De Guzman!

Ngayong SEPTEMBER 2025 mapapanood na sa VMX App ang pelikulang “FOREIGN EXCHANGE” na maghahatid ng kwento ng katotohanan, kabuktutan at pag ibig.
Pagbibidahan nina Sahara Bernales, Audrey Avila, Athena Red at ang pagbabalik ng mahusay at TUNAY NA HARI NG VIVAMAX na si Sean De Guzman.
Kwento ito ng isang lalaking escort na si ROMMEL played by Sean de Guzman, na pinagkakakitaan ang kanyang angking karisma. Pinapahulog nito sa kanya ang loob ng mga foreigners na babae at kabilang na rito sina HARUHI isang Japanese Girl played by Audrey Avila at si HAILEY isang American Girl played by Athena Red.
Ngunit isang Pinay ang bibihag sa mapaglarong si Rommel at ito ay si MIA played by Sahara Bernales. Sa panahon na matutuklasan ni Mia ang trabahong ito ni Rommel at makilala sina Haruhi at Hailey ay isang bangungot na pagkakataon naman ang magaganap sa buhay nilang apat.
Hanggang saan ang kaya mong gawin mapatawad at mapatunayan mo lamang ang malinis mong intensyon sa taong tunay mong iniibig?
Kabilang rin sa pelikula sina Arthur Gucio at Ms. Gaye Piccio. Mula sa panulat ni John Paulo Santos. Sa mahusay na direksyon ni Dominic Q. Cruz at sa produksyon ng Quicksilver Films.
Abangan at tunghayan ang kwento ng kabuktutan, katotohanan at pag ibig sa pelikulang “FOREIGN EXCHANGE” ngayong SEPTEMBER 2025 na exclusively on VMX PH


















