Voltes V Legacy Headwriter Suzette Doctolero reacts to Pugad Baboy strip mentioning her
After commenting on people bashing GMA 7’s upcoming adaptation of the anime Voltes V, Voltes V Legacy‘s headwriter Suzette Doctolero has reacted to a recent Pugad Baboy strip which discussed her and her project. Here’s the whole story (for now) how Suzette Doctolero reacts to Pugad Baboy mentioning her and Voltes V.
The whole thing started when PMJR published a new strip for his long-running series Pugad Baboy where they talk about Voltes V Legacy and share the same sentiments that most of the fans are currently saying about the show. And they also mentioned Doctolero in one of the panels.
Here’s what Doctolero posted:
Ayos sa sampalan at sabunutan, dude ah (although may episode sa anime na nanapak talaga si VV haha) pero wala pa nga o, huwag muna judge nga. Sobrang Baba naman yata ng tingin ni Pol sa soap opera at sa drama writer para ireduced ito sa “sampalan at sabunutan”.Offensive ito. Katumbas ito ng baduy at bakya noong 80’s hanggang early 2000’s. Kung saan ibinabagsak at minamata lang ang soap opera at mga manunulat nito. Pero tignan mo, hanggang ngayon buhay ang soap habang sisinghap singhap na ang cartoons ni Pol (joke! Alangan namang ikaw lang pwedeng mag joke hehe). Kailan din kaya huling nanood ng soap itong Mamang ito at nasa sampalan at sabunutan mode pa rin? Hello! May tadyakan na rin kami ngayon! Hehe. Sayang. Wala pa yata (yata ha) ako sa showbiz, sinusubaybayan ko na ang Pugad Babs e. Mukhang misogynist din naman.
25 yrs na yata akong writer ng soap: hanggang ngayon hirap pa rin akong intindihin ito at kung bakit ito pinapanood ng masa pero sulat lang nang sulat. Subok nang subok kung ano ang tatangkilikin ng masa. Sa tagal ko nang nagsusulat ng soap, estudyante pa rin ang pakiwari ko sa sarili ko. Pano pa ang walang experience? At walang alam sa soap? Ang VV ay iaadapt sa soap opera. Sino ang magsusulat? Isang cartoonista na walang alam sa soap? (O kung anuman ang tawag kay Pol ). O writer ng tula?
PS: ang Voltes V ay isinulat rin sa wikang Pilipino. Mga pango tayong lahat at pinoy, kaya hindi namin ito isinulat sa wikang ingles. Naman o.
Check out the original post from her Facebook below:
Of course since this was a public post, everybody with their two cents quickly jumped to the conclusion. Some calling Medina’s artform “laos” or weak and some taking shots on the industry itself.
Mind you this was an old strip already and PMJR had released a part 2 for the strip where he says that whatever happens, people need to support our local work. Something that may have not registered on Ms. Doctolero’s radar.
As of writing this post, the GMA headwriter had posted another lengthy post about the craft of writing for soap opera on TV.
Daming arogante at pasosyal. Kesyo diring diri sa soap opera (pero panay nood sa Kdramas e soap opera din yan na mas budgetted kasi may Government support). Mga Tse hahaha.
Oy, Soap opera writers lang ang may kayang ihold ang attention ng masa. It’s a gift. A discipline. An “art” (oo, art din yan) na kayang laruin ang puso at imahinasyon ng audience. Para kahit minsan ay nabubwisit na ang audience, na di pa rin nagkikita ang mag ina, o nababawi ang nawawalang mana o posisyon, ay babalik uli kinabukasan para manood. (Hello, naka ilang taon ba Ang Probinsyano? E maski ako bilib sa writers nun kaya lipat na kayo dito sa amin! Haha).Mula sa sinasabing pinaka tradisyunal na akdang pang soap opera (na namumutiktik sa mga soap cliches / tropes yet pinapanood pa rin at super rater) hanggang sa pinaka out of the box. Mula sa mga soap ng Gma hanggang Abs at Tv5, Lahat ito ay gawa ng mga soap opera writers na alam ang trick kung paano gumawa ng palabas na tuluyan, at aabangan nang aabangan (we hope).Marami na ang nagtangkang magsulat ng soap opera na mababa ang tingin dito, may panghuhusga: kesyo pang bobo. Kaya babaguhin daw nila ang mukha ng soap. Napakarami na nilang mga kapal muks. Ayun, walang nangyari sa yabang. Di naman talaga nakasulat. O kung nakasulat man ay biglang tumaas ang respeto sa soap. Kasi natuklasang di pala madaling isulat.
Hindi rin ganun kadaling baguhin ang nature ng soap opera. Kilalanin at aralin muna bago magyabang na mababago niya. Paano babaguhin ang isang bagay na ‘di alam kung ano muna? Mas madaling magsalita kaysa magsulat. Ito ang gusto kong sabihin: Walang makakapagbago sa soap opera kungdi ang soap opera writers lang mismo. Hind ang kung sino sinong pontio pilato, na porke nakakasulat, akala mo ay si Jesus Christ na. Na akala sa sarili ay mesiah na makakapagpabago ng soap. Marami nang nabigo. Walang nabago. Mga Tse! Haha.