Entertainment Earth

Coco Martin goes beastmode on Instagram after ABS-CBN signoff

Ang Probinsyano star Coco Martin did not mince words on Instagram over the signing off of ABS-CBN on free TV.

He writes:

In a previous post he writes:

#Repost @mr.cocomartin @download.ins

Pasensya na po dahil hindi ko na mapigilan ang sobrang galit na nararamdaman ko. Nakakapagod nang manahimik at magpigil kung ang mga nasa paligid mo naman ay mga walang-pusong tao.

Anong klaseng mga tao ang gumawa nito? Alam ninyo na ang ibig sabihin ng pagkasara ng ABS-CBN ay kawalan ng trabaho ng ilang libong empleyado kasama ang mga pamilya nito. Ilang libong pamilya ang magugutom sa kabila nang lahat ng nangyayari sa mundo ngayon. Talaga bang nagawa niyong unahin ang pagpapasara ng isang istasyon na bumubuhay sa napakaraming Pilipino? Ang lahat ng mga tao ngayon ay pagtulong at pag-agapay sa kapwa ang hangarin, lalo na ang ABS-CBN. Napakalaki ng iniambag at patuloy na nagaambag upang umabot ang tulong sa lahat ng nangangailangan. Sila ang inaasahan ngayon ng maraming tao para maghatid ng balita sa bawat araw, sila rin ang daan para maiparating ng mga tao ang kanilang saloobin at pinagdadaanan sa krisis na ito. Sa gitna ng laban natin sa COVID 19, hindi tumitigil ang ABS-CBN para magbigay ng aliw, ligaya at pag-asa sa mga tahanan ng sambayanang Pilipino. At sa gitna rin ng lahat ng ito, hindi iniwan o pinabayaan ng ABS-CBN ang mga empleyado nito, inagapay niya ang bawat empleyado upang makaraos. Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao kayo at kung anong klaseng konsensiya ang mayroon kayo para maisip niyong ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng daan at libong mga taong nagkakasakit at namamatay dahil sa epidemyang ito. Hindi kayo ang mga taong dapat kinakausap ng maayos, ang dapat sa inyo tapatan ng kabastusan at kawalanghiyaan tulad ng inaasal ninyo!

Wala man akong gaanong kaalaman sa batas at maaring masmarunong kayo sa akin, pero sana naisip niyo man lang ang sitwasyon ng ating bansa! Sana sa wakas ay makatulog kayo ng mahimbing at maipagmalaki niyo ang naggawa ninyo! Sana ipagkapuri kayo ng pamilya ninyo sa tagumpay ninyong gutumin at yurakan ang mga buhay ng ilang libong pamilya!
Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag ma panatag na ang kalooban niyo. NTC sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan!!!

The actor has started as Cardo Dalisay in the long running Kapamilya series Ang Probinsyano.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *